ayokong malaman kung nasaan ang lungkot

ayokong malaman kung nasaan ang lungkot
sa takot na makita ko ang sarili doon.

ayokong malaman kung ano
ang hitsura ng lugar na iyon.
ayokong malamang lugar nga iyon:
isang kweba sa kalaliman ng mundo
na may mataas na kisame
at may lawa sa gitna
na pinaitim ng hindi masukat na lalim.

maabutan ko kaya ang sarili
na lumulutang-lutang, nakahiga,
natutulog nang dilat,
nanigas din, katulad ko?

maririnig ko ba ang hininga ko,
na parang mahinang bulong
ugong kapag malapit na ang bagyo,
na nakikipagsalitan ang echo
sa umaapaw na katahimikan
at malalamig na mga bato?

ayokong matagpuan ang lungkot

at malamang isa itong lumalaking silid;
ang mga pader ay gumagapang na anino,
piping sumisiksik sa lahat ng sulok
at kinakain ang lahat ng kulay,
pinatatahimik ang lahat ng tawa,
biglang ginagawang maluha-luha lahat ng mata.

ayokong matagpuan ng lungkot

kasama mo.

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: