A lot

Pa, sabi ko na at may pinagmanahan ako ng pandaraot. Alam ko namang kakaiba ding makabanat si Ma, pero sobrang tindi mo lang nang tuloy-tuloy mong pansinin in bad light ang lahat ng artista sa Ka-whatever-Pasko-artista-challenge pakulo ng GMA. Ilong, mata, bibig, pagsasalita – hands down kami. Pero bakit ba fan ka ni Marian?

***

Tataas ang presyo ng bigas. Dalawang piso kada kilo. Malulugi daw ang NFA kung magbaba ito ng presyo habang magdadagdag ang commercial rice, sabi sa interview. Parang nag-e-echo ang statemeng ng palasyo tungkol din sa budget cuts sa SUCs — hayaang lumangoy ang makakalangoy, malunod sa gutom ang hindi kaya.

***

Nagmomoda din ng pagtatas ng pamasahe ang jeep. Mula siyete, siyete singkuwenta daw ulit. Wala namang ngipin ang regulasyon sa presyo ng langis, kaya ito nilalamon tayo sa pagtaas ng pamasahe. At hinihintay na lang nating matumba ang ibang pitsa ng domino.

***

Ilang hakbang na lang, mapapasa na ang 2011 Reform Budget. Ilalakad tayo ng plano ng paggastos – gagastusan natin ang bulsa ng dayuhang bangko, gagastusan natin ang baril ng mga mersenaryong sundalo, gagastusan natin ang ililimos sa mga palad ng bawat Pilipino, gagastusan natin ang pangkurakot ng lahat ng politiko – sa isang tuwid na daan. Pataas. Sa dulo, bangin.

May itutulak tayo.

***

Dec 10, Human Rights Day! at birthday ng Mama ko.
Higit ang ingay na dapat gawin habang nagtatanga-tangahan at nanatiling pipi si PNoy sa kaso ng Morong 43. Para din ito kay Leonard Co. Kay Karen, kay She. Sa nanay ni Ipe.

***

Sobrang nagustuhan ko ang tula na ito ni Rex.

pa

mahilig ka pa ring magkuwento
bagamat may mga ngipin na akong pinagmamasdan ngayon
tuwing ika’y magsasalita

mahilig pa rin akong makinig sa’yo
kahit kalahati ng lahat ng sinasabi mo ay pagmamalabis
at ang natitira ay pawang kasinungalingan
mas gusto ko yun
natututo na kong paghiwalayin ang mga naiisip mo
at ang mga tunay na nagaganap sa buhay mo

salamat nga pala sa bawat Linggo
na dumadaan ka
upang magluto ng tinola
(natatawa na si dana sa tumpok ng sayoteng di naluluto)

sa totoo lang, gusto kong tanggapin mo yung permanenteng trabaho na inalok sayo
kung pwede lang tayong maupo minsan
pag-usapan natin kung bakit mas mabuti yun kesa kontraktwal

pero alam kong alam mo rin naman

nakakatuwa sigurong isipin na sinasabi mo noon, sampu ng iba pang tatay sa mundo, na makinig kami;
ngayon, di ka na lumilingon sa tuwing tatawagin ang iyong pangalan

sa totoo lang, walang puwang ang tuwa

mahilig pa rin akong makinig sa’yo
na paborito kang karpintero ng mga amerikanong misyonaryo
na nagpapalagay ka sa ref ng pagkain sa mga kasambahay ng kapitbahay n’yo
na naglalagay ka na ngayon ng earplugs tuwing gagamit ng power tools
(kulay dilaw; napansin ko dating nakasuksok sa pantalon mo)
na mahal magluto ng pusit na may tinapa sa loob
na naaawa ka sa kalagayan ng mga sakada
na dapat i-“summary execution” lahat nang nasa pwesto
(sana’y maupo talaga tayo minsan at mag-usap)

di ka pa rin masalita sa mga di mo kilala
naalala ko nung nalaman mong may isang taon na rin akong ‘di pumapasok
tinanong mo ko kung marami ba akong bagsak
hindi ko matingnan ang mukha mo noon
dumating kasi si Hillary Clinton
at isang oras pa lang ang tulog ko
umalis ka na rin kaagad

mahilig ka pa ring magkuwento

huwag kang mag-alala

dumarami ang nakikinig

Advertisements

About Pol

https://northfort.wordpress.com/ View all posts by Pol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: