‘Di kaya napilitan ka
na tapunan ako
ng lasang tubig na “Kumusta?”
nang walang tingin-tingin
dahil hinihigpitan mo
ang strap ng iyong bag
nang minsa’y muntikan na
tayong magkabungguan
sa iisang karaniwang daan?
Nang hingin ng mga hakbang
na salungat nang magsanga,
nag-iwan tayo ng kiming paalam.
At nang likod na lamang natin
ang malayang nagkakatanawan,
daang kilong nadagdagan
ang bigat ng damit
na tangi kong dala-dalahan.
February 16th, 2012 at 1:20 pm
Hindi.
February 18th, 2012 at 10:16 pm
Hindi nga naman. Umeepek lang ako hehe
February 20th, 2012 at 10:36 am
Ay oo pala. Char.